Lumipas na naman ang kapistahan ni San Juan Bautista nitong ika 24-ng-Hunyo, nabigyan na naman nang panahon para makapagpasalamat sa gabay na bigay ng poong patron sa buong bayan ng Dinalupihan.
Panahon din ng pagparada sa buong bayan, iba’t-ibang establisimyento at mga eskwelehan, gayun din ang pagpaparada ng mga magagandang dilag ng Dinalupihan.
Kaunti lang ang nakuhang larawan ngayon dahilan sa umulan sa araw ng Fiesta, gayun paman nai-dokumento pa rin kahit paano ang konting kaganapan na nagawa.

Binibining Dinalupihan

1st at 2nd Runner-up ng Binibining Dinalupihan

Miss Saint John Academy

Estudyante ng Bataan Polytechnic State University (BPSU)

School of Divine light Float

mama na nagbebenta ng makukulay na lobo
Isa sa landmark ng Dinalupihan ay ang bundok malasimbo o susong dalaga. Dalawa ang pwedeng daanan paakyat ng bundok sa Baryo ng Payumo at sa Baryo ng Tambao na dadaaanan ang Baryo Pita.
Nakaugalian na ng mga taga-Dinalupihan na akyatin ang bundok ng Malasimbo tuwing mahal na araw lalo na sa Biyernes Santo bilang panata. Sa itaas kasi nito ay mayroong maliit na krus na nakatayo na hindi alam sa ngayon kung sino ang nagtayo nito. Sa araw rin ng Biyernes Santo ay nagkakaroon dinng istasyon ng krus, mayroong mga istasyong naitalaga ang mga taga-roon.
Tinahak ko ang daang Payumo noong ako ay umakyat ng Malasimbo, mayroong mga 3 maliliit na ilog na madadaanan bago makarating sa paanan ng bundok. Habang papaakyat ay may madadaanan ding mga maliliit na sibol na pwedeng pagkuhanan ng tubig na inumin. Nagulat ako ng mga nasa gitna na kami ng pagakyat ng may madaanan kaming bakod na barbwire ayon sa mga kasama ko may nagmamay-ari daw ng parte na iyon ng bundok, hindi ko alam na pribadong pag-aari na pala ang bundok ngayon. Noong malapit na kami sa tuktok ay medyo dumalang na ang punong makakapitan at halatang naistorbo na talaga ang lupa dahil sa dami ng namamanata kaya naman mas madalas may nadudulas pababa, medyo matarik kasi ang pag-akyat na sa tuktok.
Tanaw at makikita rin ang ganda ng bulubundukin ng Zambales, makikita mo ang hitik sa puno na parte ng bundok na iyon. Pagdating sa taas maliit na espasyo lang ang pwedeng pagtigilan, nagtanghalian lang kami at ninamnam ang napakagandang view ng Dinalupihan at Bataan, pati na rin ang Pampangga at Zambales. Pagtapos ng isang oras na pagpapababa ng kinain ay nagsimula na rin kami sa pagbaba ng bundok.
Nakababa kami ng bundok mga alas-3 ng hapon at nagsimula ng pagakyat mga alas-7 ng umaga. Hindi gaanong kataasan at kahirap akyatin ang bundok ng Malasimbo kaya naman maganda itong panimula sa mga taong mahilig umakyat sa bundok.
Isa rin sa nakikitang kong potensiyal ng Malasimbo ay ang trail sa paana niya, maganda rin kasing mai-promote ang mountain biking sa Dinalupihan at magsagawa ng isang Mountain Biking event kung saan ito ay nakatuon sa pangangalaga ng bundok.
Isa daw sa joint project ng ating Mayor at ni GMA ang pagpapaspalto ng daan sa General Luna at Mabini Proper. Ok itong proyekto na ito mas magiging maganda ang biyahe ng mga sasakyan. Pero sana yung mga daan sa barrio na hindi gaanong napupuntahan ng mga tao ang inuna, magtatag-ulan pa naman siguro mahihirapan na naman ang mga tao naninirahan doon sa mga lumalalim na putik.



If you are from North and going down to Bataan you might not want to miss the Palihan Exit. Enjoy this beautiful scenery having the mountains of Zambales as your backdrop.
Round 2 lang ang inabot ni Ricky Hatton ng Britanya sa bagsik ng kamo ni Manny “Pacman” Pacquiao. Naisipan na ni Hatton na matulog na lang kaysa sa magulpi pa ng aserong kamao ni Pacman.
Sa unang Round 1 palang dalawang beses na humiga sa canvass ang namutlang Briton. Hindi niya akalain nag mala-halimaw na lakas ni pacquiao at mala-tuklaw ng ahas na bilis ng kamao nito ang makakapagdungis pa muli sa kanyang magandang record ngayon na 45-3 at kay nagdagdag naman ng panalo kay pacman upang magkaroon ng record na 49-3 kung saan 2 ang tabla.
Puro lang pala satsat ang kanyang trainer na si Floyd Mayweather Sr., kinain niya ang mga salitang pinagbibitawan nya, parang aso na sumuka at kinain muli ang suka nito. Ganyan si Mayweather sr. ng matapos ang napakaikling laban na ito na nagbigay ng karangalan kaya Pacquiao na pinaka-dakilang boksingero na nabubuhay, pinakamagaling na libra kada libra na boksingero ng mundo.
Ang panalo na ito ni Pacman ay magpapantay sa record na nagawa ng natalo niya ring si Dela Hoya. Anim na korona sa iba’t-ibang timbang na dibisyon. Ito rin ang ika-10 sunod-sunod na panalo ni Pacquiao sa pagededepensa at pagkuha ng mga panibagong titulo sa boksing.
http://sports.inquirer.net/breakingnews/breakingnews/view/20090503-202796/Pacquiao-TKOs-Hatton
http://teampilipinas.info/2009/05/pacquiao-vs-hatton-live-stream.html
Sa kaalaman ng lahat ito ang nagiisang forest reserve ng Dinalupihan, hindi man gaanong napapansin pero isa ito sa yaman ng ating bayan na dapat natin pagingatan at bigyan ng pansin din ng ating lokal na gobyerno.
Madalas na ginagamit ang parke sa mga kamping ng mga boy scout at cub scout ng mga eskwelahan sa Dinalupihan. Meron din itong swimming pool na pwedeng pagbabaran lalo na sa tag-init.

Medyo natutuyo na nag ilog na dumdaloy sa loob ng parke dahil sa tag-init

Kaunting espasyo lang ang ibinigay ng mga puno para makita mo ang langit sa loob ng parke
Sadyang napaka-aliwalas ng hangin at napakalamig sa parke na ito kahit na ano pang galit ng araw sa katanghalian, kaya naman maraming nawiwiling mga taga-Dinalupihan ang nagpupunta rito. Sa halagang P20.00 na bayad kada-tao para makapasok at magamit ang pasilidad na nadito ay maari mo ng i-enjoy ang pagswimming, nature picnic, at merong ding mga available na cottages na di-aircon at mga lame-lamesang maliliit na cottage.

Mga punong naglalakihan ang kumukbli sa parke sa tindi ng init ng araw

Isa sa lumang pasilidad o atraksyon ang kailangan ayusin sa parke
Noong huling pagdalaw ko sa Roosevelt meron ng naitayong gusali, kung saan pwedeng rentahan at gamitin sa iba-ibang okasyon tulad ng kasal, birthday, reunion ng mag-anak, business meeting o kaya company outing. Malaki ang parking space na inihanda para sa parke para na rin di mahirapan ang mga turista na pumupunta dito.
Ideyal din na gamitin ang lugar sa isang photoshoot opportunity, dahil nga sa angking natural na kagandahan ng lugar. pwede rin gawin ang isang pre-nuptial shot kung ang tema ay nature, sa mga photographer ng kasal maaring makatulong sila sa turismo ng ating bayan sa pag-suggest nito sa kanilang mga kliyente.
Hindi ko alam kung pinagbebenta ba ng mga nangangalaga sa parke ang mga batang puno na nakadisplay sa tabing daan. Kung ito ay ipinagbibili maaring mapalakas ang pagkakalakal nito kung dadalhin sa bayan at mag-aanunsyo ang lokal na pamahalaan ukol dito. Isa na rin paraan para matulungan natin at ma-promote ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan nito.

Mga batang naglalangoy sa ilog sa loob ng parke
Isa sa pinaka-epektibong gamit na transportasyon sa Dinalupihan ay ang bisikleta. Kung gusto mo rin maranasan ng mabuti ang mga burol at mga offroad trails dito ay mainam din ang gumamit ng mountain bike.
Sa loob lamang ng isang araw halos kayang libutin ang buong Dinalupihan sa pamamagitan lang ng paggamit ng bisikleta. Hindi lang sa makakatipid ka sa pamasahe, makakatulong ka pa sa kapaligiran at mas lalong mas mahalaga makakapa-workout ka pa.

Madali mong mapupuntahan at malalanghap ang sariwang hangin sa bukid sa paggamit ng bike

Isang scene sa culvert bridge ng Subic-Tarlac hi-way sa Dinalupihan

Tanawin sa bukid

Makikita ang Bundok Malasimbo sa likod

Isa sa mga tollgate ng bagong gawang Subic-Tarlac hiway

Bukirin kung saan kita ang bundok ng Bataan
Isa sa pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga taga-Dinalupihan ay ang pagpapalay. Makikita sa mga patag na bahagi at mga di gaanong kataasang lupa ang mga malawak na palayan na ang tanging pumapatid lamang sa mga abot tanaw ng iyong mata ay ang mga bundok ng Zambales.
Ang panahon ng tag-ani ay kadalasang pumapatak sa mga buwan ng Marso-Mayo, Agosto-Setyembre, Disyembre-Enero, sa mga panahon na ito karaniwang makikita ang mga panggapas na makina, tracer o pang-giik, mga sasakyan na may hila-hilang kariton na puno ng bagong aning palay, pabalik-balik na kalabaw na hila ang gareta na puno ng ani sa bukid. Mapapansin mo rin sa panahon na ito na ang mga daan ay nagiging kulay ginto dahil sa mga nakabilad na palay. Dahil sa medyo may kamahalan ang pagpapatuyo ng palay gamit ang pugon naka-ugalian na ng mga taga Dinalupihan na samantalahin ang biyaya ng araw.
Ang pagbibilad ng palay ang itinuturing na isa sa pnakaimportanteng bahagi ng proseso ng pagbibigas. Dito masusukat ang kalidad ng naani at para na rin buo-buo ang butil ng bigas kapag ito ay nai-kono na.
Ang pagbibilad ng palay sa kalsada o plasa ay mayroong positibo at negatibong komento ang mga tao. Dahil nga sa pampubliko ang mga daan at plaza na gamit sa pagbibilad, nagiging pangunahing reklamo ay ang kati na nadudulot ng mga gilik ng palay. Dahil sa walang ginagawang pamamaraan o hindi napagtutuunan ng pansin ang paglinis ng mabuti ng mga nagbibilad sa mga daan at plaza ang mga maliit na problema na ito ay minsang nagiging problema ng mga residente.
Ang presyuhan na nangyayari sa pagbibilad ay kada sako. Madalas ang bayaran ay pumapatak sa presyong P5 – P10 kada sako ng palay. Sa 100 kaban na palay maaring paghatian ito ng 2-3 tao. Nagsisimula ang pagbibilad mga bandang 6-7 ng umaga, pero depende rin sa panahon. Matapos malinis ang daan o plasa sa pamamagitan ng paggamit ng walis tingting pwede ng simulan ang paghahakot ng palay. Kapag bultuhan ang ibibilad, normal lang na makita ng dulo-dulong halera ng sako ng palay na unti-unting binababa mula sa trak, kariton, o kaya traysikel. Dahil sa tumpok-tumpok pa at hindi pa pantay ang mga nailatag na palay kakailanganin ng panghalo na itsurang kalaykay na madalas na yari sa kahoy. Sa buong araw ng pagbibilad may mga nakatakdang oras kung kailan dapat haluin ng nagbabantay ang nakabilad na palay para masiguro ang pagkatuyo ng mga butil nito. Mga bandang alas 2-3 ng hapon, nagsisimula na ang pagsisilong sa mga binilad, kahit mataas pa ang sikat ng araw at meron pang karampatang init hindi na ito pinapaabot pa ng hapon. Normal mo na maririnig ang tunog ng kinaskas na yero sa konkreto sa mga ganitong oras, kung ikaw ay nagsi-siyesta siguradong maalimpungatan ka sa ingay ng mga pansalok na gawa sa lata. Parang mga may sariling kilohan ang mga nagbibilad dahil hindi nagkakalayo ang mga kabuuang kilo ng bawat sako ng palay, gawa na rin siguro ng karanasan kaya halos hindi nagkakalayo ang kanilang mga tantya.
Hindi normal gawa ang pagbubugkos lang ng bibig ng sako ng palay sa mga nagnenegosyo nito, ang karaniwang pamamaraan para masigurong selyado at hindi matatapon ang mga naimpok na palay sa sako ay kailangan tahiin mo ito gamit ang malaking karayom at plastic na straw. Gagawa muna ng isang tenga sa isang bahagi pagkatapos tatahiin hanggang sa kabilang parte para makagawa muli ng tenga na siyang tuluyang magsasara sa kaban ng palay.
Sa pagsasakay sa trak o karitela o kaya traysikel ay pinagtutulunga ng dalawang tao, isang papasan at isang aalalay. Normal na makikita mo ang mga binatilyo sa mga ganitong klase ng pag-gawa dahil diguro sila ang may lakas ng katawan.

Pagkatapos ng anihan, ilang linggo rin matitiwangwang ang lupa para matuyo ang mga dating tanim at pagkatapos ito ay bubungkalin

Manggagawa ng bukid

Ang bukid pagkatapos ng mga ilang linggo pagkatanim

Palayan matapos gapasin(kita sa likod ang bulubundukin ng Zambales)

Itsura ng palayan matapos mag-giik

Bagong ani na palay na nilalatag na sa daan para ibilad

Ang paghalo sa nakabilad na palay ang isa sa pinakaimportanteng parte ng pagpapatuyo sa mga butil nito

Nasakop ang buong-daan sa dami ng ibinilad
Ang mga ilan sa establisimyento na nakasama rito sa paskil na ito ay mga ilang taon na rin mula ng ito ay naitayo. Gusto lamang i-dokumentaryo ng may akda ang mga bagong establisimyento mula pa noong mga dekada ‘90. Maaring ang mga pagbabago na ito ay maliit pero nagbibigay naman ng indikasyon na meron parin progreso at pagbabago na nangyayari.

Bagong Tayong Dinalupihan Municipal Hall

Bagong tayong Dinalupihan Cockpit Arena (Sabungan)
Meron din mga kwartong maarkila.

Room rates para sa mga manlalakbay

Mapapansin sa likod ang renovated na Petron station
Ang traysikel ang isa sa pangunahing gamit na transportasyon para makapunta sa bayan at sa iba’t ibang baryo.

Bagong renovate na simbahan ng San Ramon

Ang dating Caltex na ginawang PTT

Ang bagong tayong fasfood na Chowking
Maraming mga turistang papuntang Olongapo ang tumitigil muna para kumain at magplamig sa Chowking.

Bagong tayong gusali sa tapat ng Munisipyo (Eastwood)
Ang gusaling ito ay ginagamit ng eskwelahang Eastwood kung saan ito ay isang Technological School at nagbibigay ng mga 2-4 na taong kurso pang tehnical at bokasyonal. Mapapnsin din sa may bandang kanan ng larawan ang tinadahan ng cake ng Goldilocks.

Gusali ng Pag-ibig Funds sa tapat ng Landbank
Meron din nakatayong karinderia sa tabi Pag-ibig building na ang pangunahing kostumer ay ang mga empleyado at mga estudyante sa mga kalapit na eskwelahan sa lugar na ito.

Fastfood na Jollibee
Nakatayo ang Jollibee malapit sa gusali ng GSIS at sa tapat nito ang Bagong Palengke.

Vercon Supermarket katabi ng GSIS building
Dahil sa dami ng kostumer ng Vercon, hindi na kayang punan ng una nilang tindahan ang mga parokyano nito at naisipang magtayo ng ikalawang Supermarket. Isa ang Vercon sa mga lumalagong negosyo sa Dinalupihan kung saan meron itong mga sangay sa Olongapo at Balanga.

Elizabeth Supermarket matatagpuan sa Mabini Ext. malapit sa hi-way
Ang Elizabeth Supermarket ay isa sa mga sikat na tindahan sa Balanga at marami na rin itong sangay sa iba’t ibang parte ng Bataan.
Hindi po ito ang “Kabit” na maselang pag-usapan. Ito po ay mga link sa aming lugar. Lahat ng impormasyong pwedeng masagap sa mula sa iba’t ibang pooksasapot.
Madaling makahanap ng impormasyon ukol sa Dinalupihan, isang type mo lang sa pangalan ng lugar siguradong sandamakmak na impormasyon ang ibibigay ng mga search engine tulad ng Google at Yahoo.
Ito lang ang mga iilang impormasyon na aking nasagap tungkol sa ating mahal na bayan.
http://en.wikipedia.org/wiki/Dinalupihan,_Bataan
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Dinalupihan%2C_Bataan
http://www.mybataan.com/content/view/73/240/
Dinalupihan Business Directory as per mybataan.com
Bataan Peninsula State University
http://www.luakanhighschool.org/
National Statistics Coordination Board
http://wapedia.mobi/tl/Dinalupihan,_Bataan
Dinalupihan Standard Geographic Code
Photos
Mga Kawing sa WordPress
http://en.wordpress.com/tag/dinalupihan-bataan/ – talks about livestock
http://ferdzfinonez.wordpress.com/2009/03/23/dinalupihan-fiesta-2008/
http://dimalupig.wordpress.com/
Kung meron pa kayong alam na mga site na magli-link sa ating mahal na Dinalupihan mangayaring kontakin lamang ang may akda.
Salamat.




